Tuesday, November 27, 2007

etehl_booba_04 Lumantad sa unang pagkakataon ang kontrobersiyal na model-actor na si Janvier Daily sa The Buzz noong Linggo, November 25. Si Janvier ang boyfriend ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition 2 ex-housemate na si Ethel Booba. Isa-isang sinagot ni Janvier ang isyung kinasangkutan niya kay Ethel, pati na ang kumakalat na hubad na larawan niya sa Internet.

Isiniwalat ni Janvier na bago pa man pumasok sa Bahay ni Kuya si Ethel ay nasabi na niya na ayaw na niyang makipagrelasyon sa comedienne. Kabaligtaran naman ito sa mga usap-usapan na si Janvier ang dahilan kaya gustong lumabas ng PBB house ni Ethel at naging dahilan ng muntik nang hindi pagkakatuloy ng pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.

"Hindi ko rin maintindihan, pero alam ko na alam niya na bago pa siya pumasok sa Bahay ni Kuya, talagang ayoko na po," diin ni Janvier. As of last Sunday, sinabi ni Janvier na kahit nakalabas na ng Bahay ni Kuya si Ethel ay hindi pa rin sila nagkakausap ng dating kasintahan."Opo, totoo po 'yon," pagkumpirma ni Janvier.

Tinanong si Janvier ng host ng The Buzz na si Boy Abunda kung bakit ayaw niyang makaharap si Ethel. "Ayoko rin po kasing maging unfair kay Ethel," sagot niya. "Nakita ko yung hirap niya sa loob ng Bahay ni Kuya. Naghihirap siya sa loob samantalang ako nasa labas.

"Humihingi rin ako ng paumanhin sa PBB dahil hindi ako pumayag doon sa phone call, kasi hindi ko rin po alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, e. Bago pa man siya pumasok sa loob ng PBB, sinabi ko, alam naman niya na wala na kami."

Kailan niya balak kausapin si Ethel? "Hindi na," direkta niyang sagot. Bakit ayaw na niya kay Ethel? "Actually, bago pa siya pumasok doon [Bahay ni Kuya], medyo malabo na kami On and off na kami," paliwanag ni Janvier. May third party involved ba? "Ay, wala po," tanggi niya.

Iginiit ni Janvier na hindi naging hadlang sa relasyon nila ni Ethel ang pagpasok ng komedyana sa loob ng Bahay ni Kuya. Nakahanda naman si Janvieer na magkita silang ulit ni Ethel nang hindi sinasadya.

"Actually, wala namang problema kay Ethel. Mabait naman po siya. Kaso yun nga lang po, pasayaway nga na medyo nahihirapan ako. Kung makaksalubong ko man siya, babatiin ko siya," sabi ng binata.

May posibilidad bang magkabalikan sila? "Imposible na po," sagot ni Janvier. "Pero right now, e, gusto ko munang mag-focus sa sarili ko at sa family ko." Mahal pa rin ba niya si Ethel? "Ang pagmamahal hindi naman mawawala ‘yon, pero tulad ng ano... Siguro po, hanggang doon na lang po ‘yun."

Bilang panghuli, nagbigay ng message si Janvier kay Ethel: "Masaya ako sa nangyayari sa ‘yo. Yung mga natutunan mo sa loob ng bahay ni Kuya, isabuhay mo. Mag-ingat ka palagi."

0 comments:

Post a Comment